matrapik!

sa kahabaan ng friendship highway na aking binabagtas,
isang hapon na gising na gising pa rin ang araw,
usad-pagong ang mga sasakyan.

katulad ng nakasanayan,
ang aking isang tenga ay may nakapasak na earphone
kung saan nanggagaling ang musikang laging kasama.

katulad ng nakasanayan kapag nag-iisa,
sinasabayan ng mala-palakang boses ang pinakikinggang kanta,
na wari’y walang ibang tao sa mundo.

at dahil halos hindi nga gumagalaw ang mga sasakyan,
at dahil dalang-dala sa kantang sinasabayan,
hindi namalayan ang pagtigil ng isang naka-bisikletang lalaki.

huli na ng namalayan
na sumandaling nakinig pala ang lalaking naka-bisikleta
sa aking munting konsyerto sa gitna ng buhol-buhol na mga sasakyan.

ang laking malas naman niya.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s